STATE OF EMERGENCY

5 Mar

State of Emergency

Lolito R. Go Jr.

Ayon sa intelihensya ng kaharian:

Umabot hanggang palasyo ang usok ng

Nilulutong kudeta

May lahok ng alak na implamable

Puso ng dagambukid

Dugo ng asong-kalye

Kamandag ng serpiyente

Ipakakain sa reyna

Ang nakalalasong putahe

Ayon sa intelihensya ng kaharian:

Umabot sa palasyo ang pakakak ng

iresponsableng pamamahayag

Badya ng paghuhukom

Nakabubulabog

Nakabibingi

Nakaririndi ang alingawngaw

Ipanghaharana sa reyna

Ang makapunit-taingang ingay

Ayon sa intelihensya ng kaharian:

Umabot sa palasyo ang pinalipad na

Eroplanong papel

Ng desperadong mamamayan

Lulan ang mga titik

ng paninisi’t pagbibintang

Sakay ang antraks ng benggansa

Ipasisinghot sa reyna

Hanggang malusaw ang mga baga

Umabot sa palasyo ang dagitab ng silakbo

Ang balaraw ng naipong panaghoy

Na sumisilahis mula sa maitim na papawirin

Na nagtatangka ng panibagong unos

Hindi pa man humuhupa ang alimuom ng

Nagdaang ambon

May karapatang mataranta ang lahat sa palasyo

At ipakandado ang bibig ng katotohanang lason

Ayon sa intelihensya ng kahariang nauulol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: