GLORIA

4 Mar

Gloria

-Rustum Casia

Oo, napanaginipan kita kagabi.
Lagi kitang napapanaginipan, pagkat lagi kitang iniisip.
Di ba sabi nga, kung sino o ano yung iniisip mo bago ka mahimbing,
yun ang mapapanaginipan mo?
E, ikaw ang iniisip ko.
Minsan nga kahit gising, nananaginip ako.
Gising o tulog, ikaw ang iniisip ko.

Tulad ngayon.

Kinakayod ko ng tinidor ang iyong ngalangala.
Ginugupit ko ang iyong tainga.
Dinudukot ko ng kutsarita ang kaliwa mong mata.
Binubunot ko ang mga kuko mo sa kaliwa mong paa.
Pinapasakan ko ang iyong ilong ng dinurog na paminta.
Kinakalbo ko ang iyong mga pilik mata.
Ipinapakain din kita ngayon sa patay gutom na buwaya.
Isinasakay kita sa rocketship na pasasabugin pag nasa ibang planeta
na.

Minsan masarap kang isipin.
Parang ang cute cute mong lunurin.
Ang cute mong lunurin sa estero de San Miguel.
Para bang ikaw ang pinaka cute na laruan na ilulublob ko sa burak at
tubigan.
Ayan tuloy, kinikilig na naman ako.
I always feel this way pag pumapasok ka sa isip ko.
Kumikislap ang paligid ko,
parang puro stars at rainbow.
Naeexcite na naman ako over the fact na pwede kong gawin anuman ang
gusto ko sa iyo.

Sana pag natulog ako at paggising ko katabi kita sa kama.
Tapos, tatakpan ko ang iyong mukha ng unan.
Tapos, susuntukin ko ng combo ang iyong tyan.

Ito na lang ata ang gusto kong gawin.
Isipin ka, isipin ka, isipin ka.

Lalo ngayong ang cute cute mo na naman sa aking paningin.

Ay nako Gloria,
tumatalim na naman ang aking ngipin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: