DE-NUMERONG DAHAS

3 Mar

De-numerong Dahas

Ernesto Ramos

Dumagundong ang mga impit na daing

Ng lahat ng biktima ng pasismong

Iniluwal ng madilim na kahapon

Dalawampung taon na nga pala iyon

Mga taong inakala kong nagwakas na

Ang mga latay ng estadong nagkakanlong

Ilan pang pangalan ang hanggang sa ngayo’y

Nilimot na ng panahon ng paglitaw at pag-usbong

At ramdam pa rin ang dampi ng hagupit na layon

OO nga, hindi ito nawakasan kailanman

Sa ilang numero’y muli’t muling

Sumusulpot ang bangungot ng nagdaan

At bilang makata ay marapat na manindigan

Bibig man ay nais busalan at ihimlay sa kadiliman

Pagkat obra nati’y lumalagi sa liwanag ng katarungan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: