ARROVO

2 Mar

Arrovo

Mark Angeles

Rovo, sa Espanyol, “mandarambong”.

Hindi ito miskalkulasyon;

nang maimprenta sa tig-iisang daan

ang iyong buong pangalan.

Gloria Macapagal Arrovo

Nuestra Señora ng mga anomalya.

Noong ikaw ay bansot na senadora,

inagaw mo kay Blas Ople lahat

ng ‘luwalhati’ sa pagpasa ng GATT-

WTO. Tangina mo!

Ikaw ang may hawak ng latigong

nag-uukit ng malalalim na sugat

at latay sa likod ng mga mahihirap.

Ikaw na umagaw sa mga pagsisikap

ng taumbayan na nagpatalsik kay Erap.

Nag-utos sa mga sundalo’t kapulisan

na bombahin ang Mindanaw.

Nuestra Señora ng dagdag-bawas,

kanang-kamay ka ni Ramos—ni Satanas!

Hindi namin makakalimutan ang IMPSA,

na nagninang ka sa anak ni Bong Pineda,

ang sanlaksa pang mga anomalya:

Agri Fund, Philhealth cards,

executive suite na inokupa

ni Jose Pidal sa Las Vegas,

sa ‘Hello Garci’ na nang sumabit

nagdahilan kang “lapse of judgement”.

Hello? Hindi tanga ang mga Pilipino.

Hindi kami magpapagago.

Hindi kami makukuha sa mga numero—

Executive Order 464, Proclamation

1017, General Order No. 5,

Calibrated Preemptive Response.

You’re nothing but a second rate,

trying hard, copy cat ni Makoy!

Nagbigkis na ang mga bisig

ng mga lasong dilaw, itim, at pula.

Nakaamba na ang karit

sa iyong leeg.

At nakaumang ang maso

sa iyong ulo.

Isang araw, isang mapula’t

mapagpasiyang araw,

bubulagta ka sa Malakanyang

at aagos sa Ilog Pasig

ang malansa mong dugo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: