LUMANG LARO

25 Dec

LUMANG LARO

Alexander Martin Remollino

Hindi na bago ang laro nilang ito —
ang pagsasabing putol talaga ang paa ng kabayo
upang itago ang pagputol nila sa paa nito.

Sinasabi ni Miguel Rene Alcantara Dominguez,
ang Kagalang-galang na Gobernador ng Sarangani,
na ang mga palakang nakalalason
ay bahagi ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino
kaya maraming pamilya sa isang nayon sa Sarangani —
na ang mga tagapaghanapbuhay ay pinagsisibak
ng Sarangani Agricultural Company, Inc. noong 2003 —
ang nag-uulam ng palakang nakalalason.

Sinabi rin ng kampon ni Marcos noong araw
na ang mga kalahok sa demonstrasyong binuwag ng pulisya
noong 26 Enero 1970
ay nagbarilan
kaya apat na raliyista ang nabuwal nang gabing iyon.
Sinabi rin ng mga kampon ni Arroyo kamakailan lamang
na welgista ang bumaril sa kapwa welgista
sa Hacienda Luisita noong 16 Nobyembre 2004
habang binubuwag ng militar at pulisya ang piketlayn
kaya pito ang nalagas sa hanay ng mga welgista
at daan-daan pa ang sugatan.

Lumang laro na itong kanila pa ring nilalaro.

Kaya hindi na rin nakapagtataka
na ngayo’y sinasabi ni Miguel Rene Alcantara Dominguez,
ang Kagalang-galang na Gobernador ng Sarangani,
na ang mga palakang nakalalason
ay bahagi ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino
kaya maraming pamilya sa isang nayon sa Sarangani —
na ang mga tagapaghanapbuhay ay pinagsisibak
ng Sarangani Agricultural Company, Inc. noong 2003 —
ang nag-uulam ng palakang nakalalason.

Hindi na bago ang laro nilang ito —
ang pagsasabing putol talaga ang paa ng kabayo
upang itago ang pagputol nila sa paa nito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: