LAGANAP ANG BULUNG-BULUNGAN

28 Apr

LAGANAP ANG BULUNG-BULUNGAN
Gelacio Guillermo

Laganap ang bulung-bulungan
Tungkol sa diskontento ng mga manggagawa.
Kung anuman ang balak nilang gawin
Ay hindi pa alam, pero sila’y di matahimik.

Pagod na sila sa kanilang kalagayan
Alam nilang magbanat man nang todo
O magpakatanda sa trabaho, walang mahihintay
Na mas mabiyayang panahong kikislap sa magrasa nilang mukha.

Walang nababago sa kanilang dukhang buhay
Habang sa pabrika’y nagtataguan ang bago’t malalaking gusali
At umaandar ang magagarang makina, itinataboy
Ang datihang manggagawang lalo ngayong magugutom.

Laganap ang bulung-bulungan
Tungkol sa diskontento ng mga manggagawa.
Kung anuman ang balak nilang gawin
Ay hindi pa alam, pero sila’y di matahimik.

Isang Tugon to “LAGANAP ANG BULUNG-BULUNGAN”

  1. Adam Abril 29, 2005 Sa 4:53 umaga #

    wow, pare, okey ‘to, ‘di ito alam ng mga tao, talagang makabago ‘tong pagsusulat na ginagawa niyo dito, ‘di ito nakagawian, ‘di ito tipikal, at isa pa: binabasa ito ng madla!! paano niyo ito nagagawa? ano ang sikreto?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: