Iimbak | Uncategorized RSS feed for this section

Noynoying Is In

16 Mar

This slideshow requires JavaScript.

KM9

7 Mar

In an event entitled KM9, progressive poetry group Kilometer 64 will celebrate its nine years this March 13, Wednesday with a poetry reading and book launch at Conspiracy Garden Café in Visayas Avenue, Quezon City.

Created by social activist, painter and poet Rustum Gil Casia as an online group in Manila and then later on co-moderated with poet and journalist, Alexander Martin Remollino, the group is known for its hard-hitting and red-blooded poetry published through several chapbooks that tackle pressing social issues in the Philippines.

On its anniversary celebration, the group will launch its second book, Mga Panahon sa Hacienda Luisita, a support to the struggles of more than 4,000 farmworkers in the disputed hacienda owned by the family of the current president, Benigno Simeon C. Aquino III.

Kilometer 64’s membership had peaked at 900 and has followings local and overseas. Among its known members are sculptor and poet, Raul “Tata Raul” Funilas, Kristoffer Berse, Palanca-awardee Mark Angeles, and former political detainee, Axel Pinpin. Today, it boasts of chapters in Southern Tagalog and Central Luzon

Open house starts at exactly 6 pm. Event is of free admission.

 

Tula ni Apong Let Lapuz

16 Nob

 

 

 

 

 

 

 

 

Walang titulo
-Apong Let Lapuz

Queni king picketline
Libutad ning dalan
Makalunos kaming dadalanan
Bengi at aldo,
Quen kaming kasakitan
Pelagwan da kami pang–
Taksil at tulisan!
Ali kami hukbo,
Ali kami bandidio
Tao kaming mantun katwiran
E bali ing mate
mibwal king picketline
Bami yasang akit
gintong katiwawaran
E bali ing mate,
mibwal king picketline
Ba mi ya’sang akit
gintong kalayaan
__________________
UNTITLED
-Apong Let Lapuz

Dito sa picketline
Sa gitna ng daan
Nakakaawa kaming dinaraanan
Sa gabi at umaga,
Ay nasa kahirapan
Tinawag pa kaming
Taksil at tulisan!

Hindi kami hukbo
Hindi kami bandido
Tao kaming naghahanap ng katwiran
Hindi bale na ang mamatay
Mamatay sa picketline
Kung aming makikita gintong katwiran

Hindi bale na ang mamatay
Mamatay sa picketline
Kung aming makikita
Gintong kalayaan

translation: Adel Abaya

“Para sa isang Kasama na di ko Gaanong Kakilala”

30 Dis

-Art

Kasama, ang galing mo pala bumigkas ng tula”. Ito ang papering binanggit sa sakin ni kasamang Lester, ng minsang magkasabay kaming magtanghal sa isang kampuhang magsasaka noong oktubre. Sa totoo lang,hindi ko pa sya kakilala sa pangalan nya noon. Pero popular sya para saakin, dahil lagi ko syang napapanood kapag may mga mobilisasyong magsasaka.Ang totoo nyan,nitong International Human Rights Day lang sya pinakilala sa akin ng pormal ni Rani. Si Rani ay kababata ni Lester,at dati nya ring nakasama sa isang pangkulturang organisasyon. Ang kwento pa nga ng kolektib kong si Rani, dati na raw silang may nabuong relasyon ni kasamang Lester. Hahahahahah.. nakakatuwang isipin!

Si kasamang Lester, isang kasama, artista ng bayan, at mabuting anak ng bayan. Nakilala sya sa pagiging mahusay na mandudula at artista sa bawat pagtatanghal.. Malaki ang mga mata, nakalabas ang mga ipin, at maitim. Yan ang katangiang pisikal na bumabagay sa mga ginagampanan nyang karakter bilang goons ng mga mapagsamantalang panginoong may lupa. Pero sa kabila nito, isang masayahing kasama at may dedikasyon sa gawain para sa kultura at mamamayan. Mga katangiang di pangkaraniwan sa mga kabataan sa ngayon. Isang artistang hindi kumikita sa kanyang talento,bagkus ay nagsasalarawan sa tunay na kalagayan ng lipunan. Isang anak na piniling maglingkod hindi lang sa sariling pinagmulan, sa halip ay piniling maglingkod sa malawak na aping mamamayan.

Marahil nga’y napakabat nya pa ng agawan ng buhay noong Disyembre 23. Pinaslang ng mga walang kaluluwang reaksyunaryong military, kahit pa sya ay sibilyan at layon lamg dumalaw sa kanyang ama. Dinahilan pa ng mga militar na may engkwentro daw na naganap sa pagitan nila at ng mga NPA. Eh,  kung hindi ba naman sila isa’t kalahating BOBO, ceasefire kaya ng mga panahon na yon. At ayon mismo sa mga masang naroon, talagang sinadya ang operasyong military sa kanilang barangay noong araw ding yon. At ng may namatay,sinangkalan nilang NPA ang mga kasama ni Lester. Nakakagalit isipin, naiyak nga ako nung mabasa ko yun sa facebook noong madaling araw ng Disyembre 25. At kung bakit, dahil sa simpleng dahilan na sya’y isang kasama,i sang kapwa artista, at isang kakilala. Naiiyak nga ako habang isinusulat ko ito ngayon. Marahil kagaya ko, naiiyak din ang kanyang mga ka kolektiba, ang mga kakilala,at kanyang mga kapwa artista. Luha ito malamang ng lungkot at kagalakan. Lungkot, sapagkat nabawasan ang aming hanay bilang mga manlilikhang sining. Galak,sapagkat kami ay lubos na nagpupugay sa kanyang dakilang ambag sa pakikibaka ng Sambayanan.

Hibang ang mga damuhong military at estadong ito na tayo’y aatras kapag tayo’y nababawasan. Lalo lamang nilang sinisilaban ang nagngangalit na baga ng paghihimagsik ng mamamayan. Sa pagkawala ng katawang lupa ng aming kasamang si Lester, mamumuhay sa puso ng bawat rebolusyunaryong artista ang espiritu ng kanyang dakilang buhay, at paninindigang magiging sulo naming sa patuoy na paglalakbay. Marapat na sya ay bigyan ng isang pinakamataas na pagpupugay at parangal bilang artista, kabataan, rebolusyunaryo at mabuting anak ng bayan. At higit sa lahat, ang pagtahak sa landas ng pagbabago ng lipunan at buong mundo.

Ito ang dakilang buhay ni kasamang Lester Barrientos.

Ang mabuhay at mamatay ng naglilingkod sa sambayanan!

“Sa bawat galaw at

indak mo kasama,

malinaw mong sinasalarawan

ang kagitingan ng masa.

Sa bawat pagtindig

at pagtaas ng iyong kamao,

bumabaon sa dibdib

ng mga mapagsamantala

ang nagbabagang mga punglo.

Sa iyong iniwang magulo

at mapagsamantalang daigdig.

Kami ang magpapatuloy

sa paglikha,

ng sabay nating pinangarap

na mundong masagana

at payapa”

Hanggang sa muli kasamang Lester!

Hanggang sa tagumpay!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 48 other followers