Iimbak | Tulagalag RSS feed for this section

Ganito Namin Babatiin ang Nestle

13 Abr

Sa sampung commercial kada isang programang pantelebisyon- isa doon ay mula sa mga produktong nasa ilalim ng bandila ng Nestle Philippines.

Hardcore Kapuso ka man, solid Kapamilya o bagong lipat na kapatid, hindi ka makakaligtas sa tanong kung para kanino ka bumabangon.

Mula morning show hanggang sa pagbanggit ng mga pangalan ng mga engineer sa madaling araw, kukulitin ka na ng tanong na ito.

Masyadong too-good-to-be-true ang serye ng mga commercial na ito, may bahid ng dugo ang ipinagmamalaking Good Food, Good Life ng higanteng dayuhang kumpanyang ito.

Literally, marami nang naitumba ang kasaysayan nito sa ating bansa. Hindi man nabalita sa mainstream media, matingkad at sinong makakalimot sa duwag na pagpaslang kina Meliton Roxas noong Enero 29, 1989 at Ding “ka Fort” Fortuna, lider ng unyon ng mga manggagawa ng Nestle Philippines noong Setyembre 22, 2005? Maisasantabi ba ang daan daang pamilyang nagutom at nagkasakit na buong karamutang tinikis ng kumpanyang ito samantalang kayang kaya naman nitong bayaran ang multi milyong talent fee nina Regine Velasquez, Marian Rivera, Coco Martin, Arnel Pineda at Vilma Santos.

Para sa aming nakasaksi sa magiting na pakikipaglaban ng mga manggagawa ng Nestle Philippines, isang tungkulin ang paulit ulit na i-kwento ang kanilang paninindigan at mga sakripisyo.

Nang iburol si Ka Fort sa isang chapel sa UP Diliman, isa sa mga kinanta ng mga nagbigay parangal ay ang awiting Tuloy ang Laban ng Patatag.

Sa saliw ng awiting ito hayaan ninyong batiin ng aming mga berso ang ika-isandaang taon ng Nestle.

TULAGALAG Special Edition | Alay sa Brgy Corazon de Jesus

29 Ene

Kung Maari Sanang Dayain Ang Mata

30 Dis

ni Axel Pinpin

Kung maari sanang dayain ang mata

at sarili at ang unawa

na ang mga salitang bumulaga sa abiso

ay Koronel, Kapitan o Sarhento

at hindi ang pamilyar na Lester;

…nang sa gayo’y sinusulat ko sana ang tulang ito

sa itim na dugo ng buwitreng nagsasundalo

at hindi sa pulang dugo ng kabataang

naglingkod para sa Bayan.

 

[Sa alaala ni Lester Barrientos ng Southern Tagalog Cultural Network)

Tulagalag: ABSCBN IJM

14 Dis

Ang KM64 ay biased. Sa pagitan ng higanteng si Gabby Lopez at ng mga empleyadong tinanggal niya,  ang taya namin ay sa mga empleyado. Kaya ang aming mga tula pati na ng mga kaibigan naming makata ay maghihilera muli ng mga akdang sasaltik sa noo ng higanteng ito.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 48 other followers