TO A WARRIOR DYING OLD

Hunyo 29, 2008

-Alexander Martin Remollino

You were one of a kind as a warrior,
one who dared to venture
where even the fearless feared to tread.
You marched to the Devil’s den
for the cause of the heavens.
Without hesitation you courted the wrath
of the false gods, the usurpers of power:
you fought for the right “without question or pause,”
ever resting your faith on the fact
that on your side was the God of justice.

In memoriam: Danilo Poblete Vizmanos, 24 November 1928-23 June 2008

MGA MANHID

Hunyo 29, 2008

-Alexander Martin Remollino

Habang binabagtas ng sinakyan kong dyip kanina
ag isang lansangan sa Quezon City,
tinawag ang aking pansin

ng isang higanteng karatulang may nakangiting mukha ni GMA
na nagsasabing,
“Ramdam ang kaunlaran.”
Siguro,
ramdam na ramdam nga ang kaunlaran
kaya kailangang ipagsigawang nararamdaman ito –
parang sinasabing mga manhid tayo

kaya hindi natin nararamdaman.
Pero sino ba ang talagang mga manhid?
Ano ang pagiging manhid?
Ang pagiging manhid
ay ang pagsasabing “ramdam ang kaunlaran”
kahit na pinagtitiyagaang pilahan ng mga tao
ang kakapurit na murang bigas na mabuhangin at mabato

habang kayraming palayan sa Pilipinas
na nagiging mga golf course o taniman ng export crops.
Ang pagiging manhid
ay ang pagsasabing “ramdam ang kaunlaran”
kahit na nag-uunahan patungong kalawakan
ang mga presyo ng inangkat na produktong petrolyo

habang mga korporasyong dayuhan ang nagpapasasa sa Malampaya’t Sulu.
Ang pagiging manhid
ay ang pagsasabing “ramdam ang kaunlaran”
kahit na nagtitiis na kumain ng darak ang karamihan
habang dalawa sa malalaking negosyante ng Pilipinas

ang nasa talaan ng 500 pinakamayayaman sa buong mundo.
Silang nagsasabing “ramdam ang kaunlaran” –
sila ang mga manhid:
mga may kalyo sa tiyan
mga may kalyo sa mata
mga may kalyo sa utak.
Sila ang mga manhid at hindi tayo.


Ano na Ngayong Gradweyt Ka na? (para kay donna at sa kanyang mga kakosa)

Hunyo 29, 2008

-Kidlatpamukaw

Ngayong tapos ka na ng high school,
Anong plano mo?
Gusto mo hulaan ko?

Gusto mo?
Ok, pagbibigyan kita.
Hmmn.. Ito ha hula ko lang ‘to:
Im sure you are going to enroll in college.
Saan?
‘Yon ang hindi ko kayang hulaan.

Pa’no ko nga ba nahulaan?
Eh syempre, yan na yata ang sinusunod na pattern
Dito sa Pilipinas
Simula nung maipanganak ka:
Lahat ng tao kailangang dumaan ng kindergarten
Minsan nama’y pwedeng dumiretso ng elementarya,
And after six years, magsunog ka ng kilay sa high school
Ng apat na taon, and then
Kailangang dumiretso ng college para magsunog uli ng kilay
And by this time, masusunog rin pati bulsa ng parents mo,
Shemps, ang mahal na yata ng tuition fee ngayon.

Ika nga ng CHED
“Quality Education is Expensive”
Ibig bang sabihin kung wala kang pera
Eh manigas ka na lang?
Huwag ka na lang mag-ambisyon na makapag-aral?
Ang ambisyunin mo eh ang maging magaling na snatcher sa lansangan?
Patpating kargador sa palengke?
Hinahangaang holdaper ng bangko?
Pinagnanasaang puta sa kanto?

I hope you don’t mind,
Pero these are the realities.
Bulok na sistemang edukasyon.
Bulok na sistema sa pangkalahatan.
Lalong binubulok ang nabubulok ng lipunan.

But of course, I am not telling you
Not to pursue studies in college,
Kahit ako nga nag-gradweyt sa college,
Kaya pansin mo siguro minsan nag-iingles ako.
Oo, sa eskwela ko natutunan ang pa-ingles ingles ko.
Paano, kasi, kolonyal ang oryentasyon ng edukasyon.

Uhm, pwedeng magkwento?
Brief lang ‘to katulad ng isinusuot ng kuya mo.
Ganito kasi ‘yon, ah, nung sinakop tayo ng mga amerikano
Nagtayo sila ng Public Educational System,
Hinubog nila ang kamalayan ng mga lolo’t lola natin
Kaya nagmistulang little brown americans ang mga noypi nun.
And to make the story short,
After nga ibinigay ng mga kano ang sham independence ng Pinas,
At itinalaga nila ang mga puppet governments
Hanggang ngayon
American pattern pa rin ang sinusunod ng ating edukasyon.

Gets mo ba?
Hmmn, confident ako na nakuha mo,
Alam ko namang intelektwal ka.

Pero let me tell you,
Ang pagiging intelektwal ay di nasusukat sa dami ng libro na iyong
nabasa
O sa dami ng prose at poetry na iyong namemorya,
O di kaya’y sa galing mo sa matematika at sa larangan ng siyensya.
Ito’y nasusukat sa kung paano mo naisasapraktika ang mga teorya
Na tangan-tangan ang tamang linya.
Nasusukat ang intelektwal sa paglahok niya sa kilusang nagbabago sa
mundo,
And blah..blah..blah.

Haaah! Ang hirap mag-explain sa tula
Kaya, excuse me, iinom lang muna ako
Hindi ng alak ha,
Kundi ng isang basong tubig na galing sa ulan
Na hinaluan ko ng salabat.

Ok!
Balikan natin yong pattern:
Sinasabi sa atin ng lipunan
Na matapos nating maipanganak
At nasa husto na tayong edad
Kailangan nating mag-aral
Sa nursery, kindergarten,
Elementary at high school,
At kolehiyo kung saan pipili tayo ng kurso.
Minsan kapag sinuswerte’t mapera
Makakapag-earn tayo ng post-graduate studies.
And after we comply all irrelevant requirements that will make us
sleepless
at ma-paid natin
ang mga bayarin sa eskwela, syempre gagradweyt tayo
At aakalain nating tapos na ang kalbaryo
(‘Yong iba may pasigaw-sigaw pa ng yahoo! yahoo!)
Pwes! We are definitely wrong!
Madadagdag tayo sa numero ng mga unemployed,
Pero kung sweswertehin at matanggap sa trabaho,
Kung saan madalas kontraktwal,
Eh we are pressured to get married naman,
Magka-anak,
Magka-apo,
At pagkatapos pwede na tayong mamatay.

At kung hindi mo masunod ang pattern,
Ano ka lang naman,
Ah, abnormal.
Oo!
Abnormal.
Minsan naman parang ang tingin sayo
Uncivilized.

Hindi ba’t masyadong morbid
At monotonic,
Ginagawa nila tayong mga robotics.

Dont get me wrong,
Ang akin lang naman
Bakit nila tayo ginagawang pasibo,
At sinasabi sa atin na masama ang maging kritiko?

Nila? Sino ba tinutukoy ko?
Eh, sino pa nga ba…
Eh di ‘yong mga naghaharing uring burges
Na nakikipaglandian sa mga imperyalista.
They who suck the people’s blood
And yet put the blame to the aswang at mga kalahi ni dracula.

Kaya ngayong tapos ka na ng high school,
At handa ng umapak sa kolehiyo,
Huwag kang basta lang umupo sa iyong armchair
At ngumuya’t lumulon ng kaalaman
Mula sa itinuturo ng napili mong paaralan.
Lumabas ka rin at makialam
Sa mga pangyayari ng lipunang iyong ginagalawan.

Pero shempre, ikaw pa rin naman ang decisive,
At ito’y suhestiyon ko lang naman.

At para tapusin ang tulang ito
Nais ko lang ishare ang wika ni Lean Alejandro:
“Ang tunay na aklat ng isang mag-aaral ay ang lipunang kanyang
ginagalawan,
Ang guro nya ay ang sambayanan, at ang kanyang pagsusulit ay ang
pakikilahok
N’ya sa pakikibaka ng masang api…”


Sleeping Man

Hunyo 29, 2008

-Mark Angeles 

 

To find you wilted

like a lettuce in your red

shirt does not diminish

the color of blood

that had seeped

out of that bullet hole

on your temple.

 

It seems to me your thoughts

quivered like the spray

of blood which scampered

away like ants at the locker

where you lay. Your faint

sighs still resonate: leaves

of a tree bursting into flames.

 

You closed your eyes

as if you were dreaming

of the halcyon days. (They seared

at the guided blow of the gun.)

 

Did you see the brightness

of transgression before

you gained the virtue of death?

 

Through you—

(sleeping until forever),

beauty is soaked

in the sadness of finality.

 

Show me a smile then

when the greedy

are gone.

-ang nasa larawan ay isa sa mga biktima ng holdapan/masaker sa RCBC bank.. kuha ng SOCO.