Mga Tulang Alay kay ka Bel

Mayo 29, 2008

Paalam KA BEL

ni Gerald Gravela

 

Kay bilis ng panahon

tinanggalan ka kaagad ng

panahon. Ang iyong

ipinaglaban, san kaya

mapaparoon?

 

Biglaan ang iyong pagkawala.

Tila ba nagbiro ang tadhana.

Ang sandaling ito’y hindi ko

naisip, gisingin ninyo ako sa

pagkaidlip.

 

Hindi ka pumanaw para sa amin.

Pagkat ang iyong pakikibaka

ay palagiang dadalhin. San

man kami liparin ng aming

mga paa. Mananatiling

buhay sa puso naming ang

iyong alaala.

 

 

 

Isang Pagpupugay kay Ka Bel mula sa Kasamang Taksi Drayber

ni Mark Angeles 

Primera 

Kasabay ng pagpihit sa kambiyo

ang nasang buhay ay magbago.

 

Mahigpit ang hawak ko sa manibela

at matiim na sinusuyod ang kalsada.

 

Sagad na ako sa bawnderi

pero hindi pa ako gagarahe.

 

Pandagdag sa badyet sa bahay

lalo’t malapit na ang pasukan.

 

 

Segunda 

Anong kulimlim sa aking sipat

ang nakadipang mga alapaap.

 

Ka Bel, ngayon ko lang nalaman

ang balita ng iyong pagpanaw.

 

Para ba akong sibuyas na tinadtad.

Anong lungkot itong lumagpak!

 

Agad kong tinabi ang aking taksi.

Balita sa radyo’y tinutukang maigi.

 

Tersyera 

Sa gitna ng harurot ng mga sasakyan

hinalughog ang kaban ng aking isipan.

 

Tantiya ko’y higit sa limampung taon,

Ka Bel, nang una kitang makita sa pulong.

 

Naroon ka nang buwagin ang aming welga

at napatay ang tatlo sa ating mga kasama.

 

Salamat, Ka Bel, sa pinalaganap mong alab

para ipagtanggol kaming mga kapus-palad. 
 

Pagtupad

ni Rustum Casia 

Habang taas-kamao mong sineselyuhan ng sigaw

na umaalingawngaw sa loob ng Iglesia Filipina

Independiente at Taft, ang pangako mo

sa nakabuwal na katawan ng ating

Ka Bel – na tuloy ang kanyang laban,

mabigat na tungkulin ang iyong tinanganan. Una,

sa kanya. Pangalawa, sa sinisinta niyang bayan.

 

Paalala, kasama, bayaran na naman ng mataas

na matrikula, lingguhan nagtataas

ang diesel, unleaded at gasolina, di man

lamang umabot sa bente ang umento

- kung umento man itong matatawag ni Ka Bel,

dinudukot, pinapatay, itinatapon sa ilog ang mga

kasama, nakakulong.

At kasama, nasa Malakanyang pa din si Gloria.

Wag nang antayin ang nine days, forty days

at babang luksa – umpisahan na ang trabaho.

Tuparin agad ang pangako.

 

  Tanging sa ating pagkilos sila mananatiling buhay.

       Gelacio Guillermo 
 

Sapagkat Siya ay si Ka Bel

ni Maria Baleriz 

simple. simple. simple 
 
hayaan ninyong sa ganoong kataga 
aking simulang iguhit ang kanyang imahe 
 
payak siyang tunay 
sapagkat ang kayamanan niya’y hindi ang pera 
kundi ang masa, ang masa at ang masa 
dahil maging ang kanyang pamilya: 
ang butihin niyang maybahay 
mga anak 
mga apo 
ang kanyang dakilang ama at ina 
mga tiyo at tiya 
mga kapatid 
ay bahagi ng sambayanan 
ng masang lubos niyang pinaglilingkuran 
 
ang kayamanan niya ay ang masa 
kung nasaan ang samu’t saring 
uri na nagpanday sa kanay 
hanggang sa mahubog ang dakilang siya 
ang mga manggagawa 
ang mga magsasaka 
ang mga kabataan 
ang mga kababaihan 
ang mga katutubo 
ang mga maralita 
sa lungsod at kanayunan 
ang sambayanang lumalaban 
 
sapagkat ang kayamanan niya 
kung iyong hinahanap 
natitiyak kong ikagugulat mo’t 
ibayong paghanga pa ang sa iyo’y haharap: 
 
dalawang barong tagalog 
isang pares ng salamin sa mata 
aparador at ang ilang mga kamiseta 
ito ang yamang mayroon siya 
 
hindi siya nabuhay sa luho ng mundo 
bagkus sumibol siya para sa pakikibaka 
at pagbabago 
na upang mabuhay ka 
di ito para sa pansariling gusto 
kundi sa pagsuong sa hirap at sakripisyo 
at pagtindig kahit sa kuko ng kamatayan 
para maglingkod sa paglaya ng sambayanang 
binubusabos ng mga dayuhang 
ganid sa yaman 
 
simple simple simple 
 
hayaan ninyong sa ganyang kataga ko 
ilarawan ang huling paglalapat ko 
ng sangkap na magpapatingkad ng obra maestrang 
sambayanan din ang humubog. 
 
si Ka Bel. 
ganyan humigit-kumulang. 
huwaran. 
militante. 
para sa kanyang pamilya. 
sa mga kaibigan. 
…mga kasama. 
 
sa masa. 
sa rebolusyon. 
 

“Kaka”
ni Noel Sales Barcelona
    Para sa alaala ni Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran (Enero 7, 1933 – Mayo 20, 2008)

Nang bagong aktibista pa lamang ako
Laging sinasabi ang mga katagang
Simpleng pamumuhay, puspusang pakikibaka.Hindi matalos ng isip
Ang kahulugan ng mga kataga
Hanggang makilala kita.‘Di man nagkasama nang matagal
Ngunit sa pakiramdam-
Matagal na kitang nakakatalamitam:Sa tuwing makikipag-usap sa maralitang tagalungsod
Sa tuwing makakarinig ng taghoy ng batang walang malamon
Sa tuwing dumaragsa sa lungsod ang biktima ng militarisasyon
Sa tuwing ang sinasabi ng magbubukid lupa niya’y kinumpiska ng poon.
Sa tuwing mauulinig ang yabag ng libu-libong paa sa tuwing mobilisasyon.

Nakikita ko ang pagiging tunay mo
Sa tuwing naririnig ang talumpati
Ng mga pulitikong nagpapakabundat
Sa pera ng publiko.

Magkano nga lamang ba ang kabuuang
Halaga ng mga pag-aari mo, ha
Kakang Crispin? Wala pa yatang P60,000.

Bakit? Gayong tatlong taon
Ang pananatili mo sa bahay ng mga poon?
Isa lamang ang sagot, kakang Crispin:

Hindi mo magawang nakawan
Ang katulad mong walang-wala rin.
Ang katulad mong busabos din.

Ginto kasi ang puso mo
Busilak gaya nang langit
Sa tuwing sisikat ang araw.

Naalaala ko tuloy sa iyo
Ang tula ni Bonifacio
Gaya mong proletaryado:

1.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

2.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

3.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

4.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

5.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

6.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

7.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
8.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

9.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

10.
Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

11.
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

12.
Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

13.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

14. *
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

15.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

16.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

17.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

18.
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

19.
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

20.
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

21.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

22.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

23.
Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

24.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

25.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

26.
Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

27.
Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

28.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Kaya nga, Kaka,
Hindi namin malilumutan
Bawat guhit ng iyong mukha
Laluna, iyong kaisipan mong
Singlantay ng gintong binuli
Nang dekadekada mong pakikibaka.

Hindi kami tutugot
Lalaban kami, hanggang hininga’y malagot-
Hanggang ang rohong bukas, ay ating maabot!

 

 

 

Huwag Mong Isiping ang iyong Pagyao’y Di Paglisan ng Isang Bayani

ni Alexander Martin Remollino 

Sa alaala ni Crispin “Ka Bel” Beltran, lider-manggagawa, 1933-2008

Maramot sa liwanag ang araw 
at siya’y nagtatago sa likod ng mga abuhing ulap 
nang ikaw ay iwan ng huli mong hininga.

Hindi ka nasawi sa larangan, 
di-gaya ng siya mong nais. 
Ngunit huwag mo sanang isiping ang iyong pagyao 
ay hindi paglisan ng isang bayani, 
sapagkat hanggang sa huli mong hininga, 
may ligtas na pahingahan sa iyong puso’t isip 
silang nagpapagal 
upang bigyan ang bansa’t ang buong daigdig 
ng bubong na masisilungan, kalasag 
laban sa dahas ng unos at lupit ng araw. 
Hanggang sa kahuli-hulihang sandali, 
ang bawat tibok ng iyong puso ay laan 
sa kanilang nagbabaon ng mga pako sa kahoy at kongkreto 
upang itindig sa lupa ang mga tahanan.

Ikaw ay bayani, 
kaya’t nauukol na mabuhay nang walang hanggan 
sa pambansang alaala 
upang maging tanglaw sa umagang makulimlim 
at sa gabing walang buwan at bituin.

Related videos:

Pagdating sa PIC Taft.

Parangal  ng Taga Timog Katagalugan

Parangal ng Kabataan

Libing

 


Ka Bel

Mayo 25, 2008

Pasasalamat mula sa Tagaytay5

Mayo 19, 2008


Surface Randy Malayao

Mayo 19, 2008

The phrase “tall, dark and handsome” were a perfect match for Randy Malayao. Towering above student journalists during assemblies of the College Editors Guild of the Philippines, Randy was a force to reckon with at the period 1991-1994 when he served as the guild’s vice president for Mindanao under the presidency of Teddy Casino.

Randy was editor-in-chief for two years of Mangingisda, the student publication of the UP Visayas in Miag-ao. His fraternity brothers remember him as part of Beta Sigma’s history of student leadership there.

I first met Randy in the 1994 national congress of the CEGP in Initao, Misamis Oriental. He was a convincing and natural public speaker, and knew the ins and outs of campus journalism very well. He impressed many, including myself.

In about a year, Randy convinced me to join the CEGP national executive committee as assistant vice president for Luzon, under his direct tutelage, so to speak. That was 1995, when malignant forces were trying to disrupt the glorious history of the CEGP through attempts to split it in half. Randy was a forceful and compelling voice at the time, encouraging us to take to heart what CEGP is and what these forces wish to turn it into.

Randy was a joy to work with. He usually sang a signature song titled “You’ve got to do more than that” during Guild assemblies. The song could perhaps be his life’s theme song.

The CEGP national leadership along with about 99.99 percent of active student publications and local formations back then stood solidly behind the patriotic and progressive tradition of the guild, saying no to the splittists who wanted to misuse campus journalism towards insurrectionist ends.

In 1995 (or was it 1996?), during my turn as organizing committee chair of the CEGP convention when we paid tribute to Randy as he bade goodbye to the Guild he so jealously protected and heartily served. He wept right in front of the hundreds of Guilders assembled at the Boy Scouts Jamboree Site in Los Banos.

Randy soon left us afterwards, but only after giving us endless reminders on what to do or not to do, about the needs and demands of campus journalists. He reminded us to be true campus press freedom fighters and to follow what our heroes and martyrs did: To put the CEGP and student journalists in the service of the studentry and the public.

We rarely met afterwards. When he had time, he would invite us to small meetings at another Guilder’s house. When he discovered the joys of mailing lists, he made his presence felt at the CEGP alumni e-group.

Today, Randy Malayao is missing. He has not surfaced since May 15. We are angry and indignant. Words cannot contain our concern. We want to see him safe and sound. The evil bastards who took him should be put on notice that they cannot just whisk a man away like that.

I texted my friends tonight about Randy and one replied: Wasn’t he part of the underground? I retorted: So what? Can’t the authorities who deem him a criminal just obtain a warrant of arrest to legally take him?

Before we get engulfed in the debate about beastly conduct and beastly treatment courtesy of death squads, a debate I do not wish to dignify further, I just wish to state that friends like Randy Malayao don’t deserve to be abducted or forcibly disappeared. Randy deserves respect. If he has done something wrong, the legal processes should be availed of.

Thus, I urge my friends and Randy’s friends to press the authorities to find him and for those who have taken him to please release him. We must act both for Randy’s sake as well for our own, so that we and our family would be spared the plight that unfortunately befell him. What the malefactors did was to terrorize both Randy and all of us.

It is imperative that we fight back, and the simplest way to do it is to add our voice to those of his family, who now cry out: Surface Randy Malayao now!