Mga Litrato ng Amparo

Oktubre 30, 2007

AMPARO

Oktubre 25, 2007

Km64 and Artists’ Arrest

Presents

AMPARO
Protest Poetry Night at Mag:Net Katipunan
Oct. 29, 6-9 pm

   

Performances by:

Uwawi

Mau de la Cruz

Gelacio Guillermo

Tata Raul Funillas

Oliver Ortega
Noel Sales Barcelona

Anak ni Aling Juana

Dennis Espada

Joey Baquiran

Vim Nadera

Earthfishfish

Rustum Casia

Alex Remollino

Anino Shadowplay Collective

Mic Camba

Gapos

plus

Special screening and Public Launch of

Rights Public Service Advertisements  DVD

CR Gallery exhibit featuring :


Bobby Balingit
Cynthia Alexander
Aba Lluch Dalena
Teta Tulay
Con Cabrera
Buen Calubayan
J. Pacena
boy agimat


AT IKAW BABAE

Oktubre 12, 2007

-a1rcapt3_16 

…at ang bata ay lumuha
pumalahaw ng iyak
halos di na nga makakita
dahil sa pikit matang pagtangis
sa kanyang manikang nasira

hayun at kurot ang inabot
mula sa inang nayayamot
naririndi sa ingay na likha
nababanas na akala mo di dumaan sa pagkabata
ang nanay na ngayoy sambakol ang mukha

pero tingnan mo ngayon ang dating paslit
malayo na mula sa musmos ng pag-iyak at awit
heto masdan mo’t taas kamaong tumitindig
di alintana ang hirap at pasakit
para sa karapatan ng kababaihang sa lipuna’y minamaliit

nireregla ka hindi dahil sa wala lang
habang ang isang paa moy nasa hukay sa tuwing magsisilang
kaya ba iyan ng mga kalalakihan?
o mas angkop itanong matatanggap ba nila ang ganyan?

sa palagay ko’y hindi…
sapagkat di talaga sila tunay na matatag
alam lamang nila ay gawin kang parausan
utusan at bilangin ang mga babaeng sa kanila’y nagdaan

kaya ka babae
upang gawin lahat ng halos imposible…
ituwid ang maling palagay ng lipunang pyudal
at patunayang hindi ka robot na de-susi
na hindi ka sunud-sunuran sa bawat mga utos
may tinig kang naghihintay marinig
may talino kang mag-isip at kumilos
para sa paglaya ng iyong uri
ng kababaihang kay laon nang dinuduhagi

at ikaw babae…
hindi ka mahina tulad ng itinatak sayo ng lipunan
hindi ka lang pambahay at tagapanatili ng kaayusan
maraming bagay pang magagawa ang kababaihan
sapagkat ikaw ay sagisag ng husay at katapangan

at ikaw babae…
hindi ka lumuluha dahil sa ikaw ay mahina
dahil bawat luha mo’y patak ng tatag ang iyong ipinapakita
babae kang kayang tumapat sa kakayanan nino man
hindi ka nilalalng para gawing palahian

at ikaw babae…
di tunay na mahina kagya nang kanilang sabi
ikaw ang tunay na simbolo na tatag at tapang
sapagkat ang luha ay katapangang ipakita ang iyong nararamdaman
at ikaw babae
palaban
matapang
militante!


NAHAN KA NA

Oktubre 8, 2007

Noel Sales BarcelonaPatuloy kitang hinahanap
kahit dulo man lamang ng anino
ang masilayan.

Pilit na inaapuhap
sa lumang polo (blusa) at pantalon (palda) mo
ang halimuyak na nakagawian nang samyuin.

Gabi-gabi,
sa bawat pagpupumilit na umidlip -
nananalangin ako sa kung Sinuman
na ibalik ka sa akin.

Kahit man lamang
ituro ang kinaroroonan mo.
Kahit malaman ko na may pintig pa ang puso mo.
Dumadaloy pa ang iyong dugo sa iyong ugat, laman at utak.

Nahan ka na nga ba?

Nahahagip lamang ng alaala
ang huling sandali ng pagkikita
bago ka salakabin
ng mga nagkukubling anino sa singit ng dilim at liwanag.

Nahan ka na nga ba?