LANDLORD

Marso 10, 2007

landlord
medel,mar10

sige, huwag
mong ipamahagi
ang lupaing di-sakop
ng aking tanaw. ariin
mo ito, tulad ng pagtatago
mo ng mga papeles at dokumento.
panginoon ka sa lupain ng mga alipin
at darating ang panahon sa pinaghaharian
mong ito, mag-isa ka niyang aalipinin, ipapakain
sa mga alagad niyang uod, bulate, at kung anu-ano pa
na iyong pinandirihan nang ika’y panginoon ng iyong paghihimlayan